Buwan ng wika ang buwan ng Agosto. Oo nga pala. Wala lang, naisipan ko lang ulit na gumawa ng tula tulaan. Mahilig talaga ko sa ganito, mga tipong pambatang tula. Natripan ko na tungkol naman sa ating bansa, since buwan ng wika. haha.
Paala ala: Basahin ng patulang pang elementarya. xD
Tara na Pinoy
Pilipinas ang tawag sa aking bansa,
Maganda dito at sadyang pinagpala.
Sa anyong lupa at tubig, tunay na sagana
Minsan nga lamang ito ay sinisira.
Pilipino ang tawag sa naninirahan,
Tunay na mga dakila at sadyang makabayan.
Maipagmamalaki sa mga talentong taglay
Ngunit bakit minsan sa iba nauugnay?
Dito ay Malaya at mayroong pagkakaisa,
Sa pakikibaka at tagumpay laging sama sama.
Pakikipaglaban sa katotohanan, hindi inuurungan
Subalit minsan nga lang ay nauuwi sa karahasan.
Nahalal na mga lider ay sinala ng husto,
Ng mga mamamayang hangad ay asenso.
Ngunit magagandang layunin ay unti unting nawala
Korapsyoon at kasakiman naipakita sa madla.
Lahat ng Pilipino, hangad ay pagkakaisa at asenso
Ngunit bakit nga ba hindi maabot ang mga ito?
Bilang isang mamamayan, ako ay nagtatanong,
May pag asa pa ba itong bansang nalululong?
Sa sadlak na hirap, karahasan at korapsyon
Sa ilang namumuno naisip ba nila ang ganitong tanong?
Sa ganitong sitwasyon, pag unlad ay hindi maiaasa,
Sa kanino mang lider o opisyal ng bansa
Sa kamay natin mismo nandyan ang pag asa
Upang makamit sagot sa mga pagdurusa.
Kaya kapwa Pinoy, tayo’y magsama sama
Gampanan ang pansariling responsabilidad at makiisa
Tayo ay uunlad, wag mawalan ng pag asa
Tulad ng mga bayaning pilit pinaglaban itong ating bansa.
Ang nakakainis lang naman. bakit di umeepekto ang bisa ng kada stanza ng tula. wahaha! sige po bahala na kayo, basta pitong stanza yan composed ng apat na sentence.
s0hskah.